TVJ pinaboran ng IPOPHIL sa trademark cancellation case vs TAPE
2023-Dec-05 17:00
Pinaboran ng Intellectual Party Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang E.A.T trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ukol sa isinampa nilang trademark cancellation case laban sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc.
Sa kanilang desisyon nitong Lunes, December 4, iginiit ng IPOPHIL na hindi napatunayan ng TAPE kung paano nila nabuo ang Eat Bulaga mark habang nakapaglabas naman ng testimonya at paliwanag ang petitioners na sina Tito, Vic, at Joey kaya't pumabor sa TVJ ang sinampa nilang kaso.
"Having sufficiently established how Petitioners coined the EAT BULAGA mark, it is Petitioners and not Respondent-Registrant who owns the mark. Considering that Petitioners are the owners, they have absolute and exclusive right to register the EAT BULAGA mark and all variations thereto…" saad sa naturang desisyon.
Ayon sa IPOPHIL, ang trademark ay salita, grupo ng mga salita, tanda, simbolo, logo, o kombinasyon ng alinman sa mga ito na nagpapaiba sa isang negosyo sa iba pa.