DJ Ellanie, nag-share ng 'most memorable moments' niya sa MBC

DJ Ellanie during the 2020 Radyo Natin Convention (left) and now (right).
Graphic by Rodolfo Dacleson II
Sa kanyang walong taon sa Manila Broadcasting Company, 'di maiwasan ni DJ Ellanie na alalahanin ang mga naging karanasan niya sa kompanya.
Nang makausap namin siya, ibinahagi ng host ng Chillax Time, isa sa afternoon programs ng Radyo Natin Nationwide, ang most memorable experiences niya sa MBC.
Sabi ni DJ Ellanie, ang pinakatumatatak sa kaniya ay yung Radyo Natin Convention para sa partners mula sa iba't ibang panig ng bansa bilang bahagi ng 20th anniversary celebration ng largest FM network sa Pilipinas.
'Di niya rin makakalimutan yung 2022 Special Achievement Awards at 2023 Excellence Awards dahil sa kabila ng COVID-19, time contraint, at iba pang problemang kinaharap ng istasyon, matagumpay pa rin na naidaos ang events na to online para sa hardworking at dedicated partners ng Radyo Natin Nationwide at MBC.
Aniya, patunay ang mga tagumpay na 'to na magkakaiba man tayo ng pinagmulan kung magkakasama naman at nagkakaisa para sa iisang hangarin, walang hindi imposible.
Pahabol niya rin pala sa lahat na may malaking kaganapan sa MBC sa February 6, 2024! Kaabang-abang 'to kaya 'wag mong palalampasin! I-follow lang ang @RNNationwide sa Facebook, Twitter, Tiktok, at YouTube at @radyonatinofficial naman sa Instagram para maging updated sa pasabog ngayong 2024 ng MBC!

Last Modified: 2024-Jan-19 16:00