Radyo Natin Valentine Drama Special, bongga ang comeback ngayong 2024!
2024-Mar-04 17:09
Grabe kayo, kapartners! Unang-una, maraming salamat sa pagtangkilik sa nagbabalik na Radyo Natin Valentine Drama Special! 'Di namin sukat akalain na maraming magpapadala ng kanilang love story entries sa aming FB page!
Para sa promo na 'to, kailangan lang na naka-like at follow sa lahat ng social media accounts ng Radyo Natin Nationwide ang listener. Ipapadala naman nila sa official Radyo Natin Nationwide Facebook page ang kanilang love story tapos i-ko-comment sa promo promotional poster ang "PM SENT" kasama ang picture ng kaniyang partner at kung saang Radyo Natin station sila nakikinig.
Nahirapan kami mamili sa totoo lang! Naramdaman kasi namin ang sincerity at genuineness ng feelings sa bawat kuwento pero may isang nag-standout at napili namin para ma-feature. Ang pag-iibigang ng mag-asawang Mr. at Mrs. Marinda ng Oriental Mindoro.
Tagos kung tagos ang naging istorya ng kanilang pag-iibigan na nagsimula sa radyo, DJ kasi si mister habang listener naman si misis. Totoo nga siguro na baka sa trabaho mo mahanap ang iyong kapareha for life? Di ba? HAHAHA!
So ayun na nga! To cut the long story short, hindi na pinakawalan ni Mr. Marinda si wifey. Kahit tatlong bundok at isang ilog pa ang humarang sa kaniya, 'di nito napigilan ang kaniyang pagmamahal para sa asawa. Sinuong nilang dalawa ang hamon ng distansiya at sa huli, sila nga talaga! Sanaol!
Kaya naman, deserve na deserve nila ang Valentine's Day date na handog sa kanila ng Radyo Natin Nationwide at Radyo Natin Bongabong.
Napakinggan din sa mahigit 100 Radyo Natin stations sa buong Pilipinas ang kanilang kuwento sa boses ng aming DJs! Bongga!
Panoorin ang kanilang naging mensahe sa video sa ibaba:
Kapartners, siguraduhing naka-follow kayo sa aming social media accounts para manatiling updated sa latest promos ng Radyo Natin Nationwide! Who knows baka kayo na ang susunod na iti-treat namin!