Superfan ni Taylor swift, nakapagtala ng Guinness World Record

Kinumpirma ng Guinness World Records na isang Swiftie o fan ni Taylor Swift ang nagkamit ng bagong world record matapos niyang masagot o mapangalanan ang iba't ibang Taylor Swift songs sa loob lang ng isang minuto.
Ayon sa Guinness, nakamit ng 20 years old na si Bilal Jhandir mula Pakistan ang record title na "most Taylor Swift songs identified from their lyrics in one minute".
Nagawang masagot ni Jhandir ang 34 songs ni Taylor Swift habang siya ay naka-blindfold at binabasahan ng lyrics ng mga kanta ni Taylor Swift ng walang music.
Maliban sa latest title na nakuha ni Jhandir, hawak rin ng naturang Swiftie ang mga titulong "most Justin Bieber songs identified from their lyrics in one minute" at "most animals identified from animal sounds in one minute". (KBAPI)

Last Modified: 2024-Mar-03 07:00