E-motor vehicle regulation, kasado na sa Tobaco City, Albay

Philippine News Agency/FILE PHOTO
Batas na sa naturang lungsod ang City Ordinance no. 8-046 s.2024 na magre-regulate sa paggamit ng electronic motor vehicles.
Isinabatas ito para mabalanse ang ekonomiya, maibsan ang trapiko sa highways, at maiwasan ang mga aksidenteng maaaring maidulot ng e-bikes, e-tricyle, at iba pang e-motor vehicles.
Sa naturang ordinansa, obligado ang mga may-ari ng e-motor vehicles na iparehistro ang kanilang sasakyan. Ipinagbabawal ding dumaan sila sa national roads.
Samantala, hinihintay naman ng Land Transportation Office (LTO) Bicol ang desisyon ng central office ukol dito. (Ulat ni Arlene Morales-Maniaul/107.7 Radyo Natin Tabaco City)

Last Modified: 2024-Mar-05 09:06