7th HERO Golf Cup 2024, kasado na!

Puwedeng maging hero o bayani ang kahit na sino basta't mula sa puso ang pagtulong at pagsasakripisyo para sa kapwa.
Ngayong Marso 2024, muling isasagawa ang taunang HERO Golf Cup para sa mga anak at pamilya ng ating magigiting na sundalo na naparalisa o namatay sa gitna ng laban o sa kasagsagan ng disaster relief operations.
Inorganisa ng Help Educate and Rear Orphans (HERO) Foundation, Inc. ang naturang charity event na nasa ikapitong taon na nito.
Isasagawa ang 7th HERO Golf Cup 2024 sa Biyernes, Marso 8, sa Camp Aguinaldo Golf Course. Nagkakahalaga ng P3,500 ang bawat ticket, kasama na ang green fee, registration fee, lunch, at raffle.
Magsisimula ang kompetisyon ng 6 a.m. at magtatapos ng 9 a.m.
Ano pang hinihintay mo? Nag-enjoy ka na, may chance ka pang manalo! At syempre, nakatulong ka pa sa mga nangangailangan.
Tara! Ito naman ang oras para maging HERO tayo ng ating mga HERO na sundalo!
Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang HERO Foundation Inc sa Facebook o tumawag sa 8912-0361 o 09306991819.
Isa ang MBC Media Group, na kinabibilangan ng Radyo Natin Nationwide, sa media partners ng naturang event. Kita kits, kapartners!

Last Modified: 2024-Jul-10 23.26 +0800