Kalapati sa India, pinagsuspetsahang espiya mula China

PHOTO: Pexels
Pinakawalan kamakailan lang sa India ang isang kalapating napagkamalang espiyang pinadala ng Chinese government dahil sa band na nakatali sa mga binti nito.
Halos walong buwang nakulong ang kalapati sa Bai Sakarbai Dinshaw Petit Hospital for Animals matapos mahuli ng awtoridad sa India noong Mayo 2023.
Nag-ugat ito sa kahina-hinalang Chinese characters sa band sa mga binti ng ibon.
Pinaghinalaan nilang may kaugnayan ito sa pag-eespiya.
Natapos lang ang kanilang paghihinala nang malaman nilang isa palang open-water racing bird sa Taiwan ang kalapati.
Nakatakas pala ito sa kulungan at nakarating sa India.
Tuluyang pinakawalan ang ibon matapos matingnan ng mga beterinaryo kung maayos ang kalusugan nito. (KBAPI)

Last Modified: 2024-Mar-06 18:00