Takoyaki resto, dumepensa sa FB prank na tinotoo ng isang netizen

Netizen took the supposed Facebook prank challenge by Pampanga-based local takoyaki restaurant Taragis.
PHOTOS: Taragis/Facebook
Paalala umano ang nangyari sa kahalagahan ng "reading comprehension", depensa ng Taragis takoyaki restaurant sa kanilang kontrobersiyal na Facebook prank nitong April 1.
"Let this serve as a reminder to us all how important reading comprehension is." ani Taragis sa deleted ng FB post.
Dagdag pa nila, huwag basta-bastang magtitiwala at wala rin umano silang pananagutan.
"It's April Fool's Day. Never trust anything or anyone. The same as any other day," wika pa nila. "Once more, Taragis Takoyaki is not accountable for the events that occurred."
Sa kabila nito, kinuyog pa rin sila sa social media ng mga nanggagalaiting netizens na humihingi ng accountability dahil sa nangyari.
Anila, may kapabayaan ang Taragis dahil hindi naman lahat ng Pilipino'y pamilyar sa April Fools Day na regular na ipinagdiriwang sa Western countries.
Nag-ugat ang isyu sa FB prank ng nasabing Pampanga-based store na hinamon ang mga netizens na ipa-tattoo sa kanilang noo ang logo ng Taragis para manalo ng P100,000.
"KAYA MO BANG GAWIN PARA SA 100k?!" saad nila sa buradong post.
Prank gone wrong ang kinahinatnan nito dahil may isang netizen na nag-send pa ng kaniyang larawan habang ipinapa-tattoo ang logo.

Last Modified: 2024-Apr-02 19:00