https://radyonatin.net/img/lib/000/000/001/38.png|https://radyonatin.net/img/lib/000/000/001/39.png|https://radyonatin.net/img/lib/000/000/001/14.jpg

Pinoy singer, umani ng standing ovation sa judges, audience ng America's Got Talent

["https:\/\/radyonatin.com\/story.php\/47962","Pinoy singer, umani ng standing ovation sa judges, audience ng America's Got Talent","RNNationwide"]
roland abante while performing in america's got talent 2023 talent show
Si Roland Abante habang nag-peperform sa America's Got Talent. (Screenshot taken from America's Got Talent YouTube channel)
Pinabilib ni Pinoy singer Roland Abante ang mga hurado't manonood sa qualifiers round ng reality talent show na America's Got Talent (GAT).
Sa isang video na nilabas nitong Setyembre 13, mapapanood si Abante na inaawit ang kaniyang rendition ng "I Will Always Love You" ni Whitney Houston, ang itinuturing na second-greatest singer of all time ng Rolling Stone.
zBpuzAupZQk
Umani ng standing ovation mula sa judges at audience ang performance ng singer na tubong Cebu.
Nauna nang nakatanggap ng standing ovation si Abante sa audition noong Hunyo matapos awitin ang "When A Man Loves A Woman" ni Michael Bolton.
Sa nasabing audition, sinabi ni Abante sa judges na pangarap niyang makapagtanghal sa entablado ng AGT.
Ngayong qualifiers round, muli niyang pinatunayan ang kaniyang husay sa pag-awit sa pag-ani ng mga positibong komento mula sa mga huradong sina Sofia Vergara, Simon Cowell, Howie Mandel, at Heidi Klum.
Ayon kay Sofia, 'deserve' ni Abante na magtanghal sa AGT stage.
"Look at everyone here, they are going crazy for you. And I know that the people have been watching you, your audition and people love you. It's amazing," ani Vergara.
Para naman sa beteranong judge at musician na si Simon , 'mahal ng Amerika' si Abante.
Naniniwala naman si Howie na pang-finale ang 'perpektong performance' ng Pinoy.
"The perfect song, the perfect voice. It was spectacular…This was memorable," pagbabahagi ni Howie ng kaniyang sentimyento. "Only two can go through and they got to vote for you. I believe that this was the performance of a final."
Sinabi naman ni Heidi na isa sa favorite performances niya sa gabing iyon ang kay Abante dahil may taglay itong: "so much grit, so much texture."
"It was beautiful, to be honest. One of my favorites of tonight. And if there's another golden buzzer that could push you right to the finale, I would push it for you right now," dagdag pa niya.
Isa lamang si Abante sa dalawang performers mula sa kabuuang 11 na nagtanghal sa qualifying phase ng AGT ang uusad sa finals.
Isang mangingisda sa umaga si Abante at motorcycle courier naman sa hapon bago nadiskubre ang kaniyang talento sa pag-awit noong 2014.
Sa nasabing taon, nag-viral sa social media ang video ni Abante habang kinakanta ang "To Love Somebody" ni Michael Bolton.
Simula noon, kumakanta na siya sa late Sunday night show ni Unkabogable Star Vice Ganda ang "Gandang Gabi, Vice!".
Nakasama niyang mag-perform sa stage ng ASAP tuwing Linggo ang bokalista ng Journey na si Arnel Pineda at na-invite ring mag-live session sa Wish 107.5 Bus.
Sumabak din sa "Tawag ng Tanghalan" sa noontime show na It's Showtime si Abante noong Pebrero 2017 at Abril 2018.

Last Modified: 2023-Sep-14 15.57.21 UTC+0800