Miss PH Michelle Dee matapos malaglag sa Top 5: 'Thank you so much for raising our flag with me'
Posted: 2023-Nov-20 17.00.46 UTC+0800
["https:\/\/radyonatin.com\/story.php\/48684","Miss PH Michelle Dee matapos malaglag sa Top 5: 'Thank you so much for raising our flag with me'","RNNationwide"]

PHOTO: Miss Universe Philippines/Facebook
Nagpasalamat si Miss Philippines Michelle Dee sa suportang kanyang natanggap sa nagdaang Miss Universe 2023 sa El Salvador.
Hindi man pinalad na makapasok sa Top 5, lubos pa rin ang pasasalamat ni Michelle sa lahat ng fans na sumigaw at bumati sa kanyang performance sa 72nd Miss Universe.
"Love and kindness over everything!" ani Michelle sa kanyang Instagram broadcast ilang minuto matapos ianunsyo ang Top 5.
"Mahal ko kayo. Thank you so much for raising our flag with me," dagdag pa niya.
Inirampa ni Michelle sa evening gown portion ang black evening gown na dinisenyo ni Mark Bumgarner.
Naging inspirasyon ni Bumgarner sa pagdidisenyo ng gown ni Michelle ang pinakamatandang mambabatok sa bansa na si Apo Whang-Od. Siya rin ang may likha ng gown na isinuot ng pambato ng Pilipinas sa preliminary round.
Kabilang si Michelle sa tatlong Gold winners ng "Voice for Change" category at makatatanggap ng $12,000 para sa nasabing parangal.
Bukod pa rito, siya rin ang nakatanggap ng Spirit of Carnival Award mula sa pageant sponsor na Carnival Cruises.
Samantala, si Sheynnis Palacios ang naging kauna-unahang beauty queen mula Nicaragua na itinanghal na Miss Universe. Papalitan niya siya si dating titleholder R'Bonney Gabriel ng United States.
First runner-up naman si Miss Thailand Anntonia Porsild at papalit kay Palacios kung sakaling hindi nito magampanan ang kanyang tungkulin bilang Miss Universe.
Sinundan ni Moraya Wilson ng Australia si Porsild bilang second runner-up si Moraya Wilson ng Australia.
Kinumpleto nina Karla Guilfu (Puerto Rico) at Camila Avella (Colombia) and Top 5. Si Avella ang unang mommy candidate na nakarating sa naturang yugto ng kompetisyon.