https://radyonatin.net/img/lib/000/000/001/38.png|https://radyonatin.net/img/lib/000/000/001/39.png|https://radyonatin.net/img/lib/000/000/001/8.jpg

Evening gown ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023, inspired kay Apo Whang-Od

["https:\/\/radyonatin.com\/story.php\/48687","Evening gown ni Michelle Dee sa Miss Universe 2023, inspired kay Apo Whang-Od","RNNationwide"]
PHOTO: michelledee/Instagram
Ibinahagi ni Miss Philippines Michelle Dee sa kanyang Instagram kung sino nga ba ang naging inspirasyon ni designer Mark Bumgarner sa pagdidisenyo ng inirampa niyang evening gown sa nagdaang Miss Universe 2023 sa El Salvador.
Sa caption ng video post ni Michelle, malalaman na pagbibigay-pugay pala kay Apo Whang-Od ang naturang black gown na nag-viral online.
"A tribute to a legendary Filipina who has become an icon, preserving the rich cultural heritage of indigenous tattoo art. She has achieved global recognition and symbolizes timeless beauty, coinciding with Miss Universe lifting its age restrictions, championing inclusivity and challenging age stereotypes," ani Michelle. "A true icon and the last of her kind, a symbol of bravery, beauty, and inclusivity…Whang Od."
"This evening gown draws inspiration from the icon, with every stitch crafted passionately and proudly dedicated to our country. It is a creation by my friend and designer of dreams," dagdag pa niya.
Malaki ang naging kontribusyon ni Whang-Od at pamilya nito sa pagpapanatili sa "batok" o ang tradisyonal na pamamaraan ng pagtata-tattoo sa Kalinga.
Nag-trending nitong Abril ang legendary mambabatok nang maging pinakamatandang cover girl ng Vogue Philippines.
Muling nakabalik ang bansa semifinals ng Miss U ngayong taon sa likod ng impresibong kampanya ng anak ni dating Miss International Melanie Marquez.
Nabigong makalusot sa initial round noong 2022 ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi kaya't nagwakas ang 12-year streak ng bansa sa Miss Universe pageant.
Sa 12 taon na ito, nakapag-uwi ng dalawang Miss U titles sina Pinay beauty queens Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).
Sa kasamaang palad, hindi na nakasalang sa question and answer (Q&A) portion si Michelle dahil bigo siyang makapasok sa Top 5.
Gayunpaman, naiuwi naman ni Michelle ang dalawang special awards.
Gold winner siya sa Voice for Change category sa kanyang adbokasiya para sa mga may autism at tumanggap din ng Spirit of Carnival Award.

Last Modified: 2023-Nov-21 09.00.12 UTC+0800